Breaking News

143 Volunteers kada Barangay sa Burdeos itatayo ng Red cross

Isinagawa ang courtesy visit ng Philippine Red Cross – Quezon, Lucena City Chapter sa tanggapan ni Bardeos Mayor Gina Gonzales.

layuning palakasin ang disaster preparedness at humanitarian response sa ating bayan.

Sa pamamagitan ng kanilang liham, ipinaabot ng PRC ang kahilingan para sa pagbuo ng Red Cross 143 Volunteers sa bawat barangay, na magsisilbing unang rumesponde sa oras ng sakuna—handang tumulong sa paghahanda, pagtugon, relief, at rehabilitasyon ng komunidad.

Ayon kay Mayor Gonzales Isang mahalagang hakbang ito tungo sa mas handa, ligtas, at matatag na Burdeos, sa tulong ng sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na institusyon.

Sa pagkakaisa, mas napapalakas ang serbisyong makatao para sa bawat mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *