Breaking News

500 ChariTimba food packs para sa 1st district Davao Oriental

Bilang pagtupad sa Corporate Social Responsibility (CSR) Program ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ipinamahagi natin ang 500 ChariTimba food packs para sa unang distrito ng Davao Oriental noong ika-3 ng Marso 2026.

Pormal nating inihandog ang mga ChariTimba kay Davao Oriental Board Member Jossone Michael Dayanghirang na siyang nagsilbing kinatawan ni Davao Oriental 1st District Rep. Nelson Dayanghirang Jr. para sa turnover ceremony na ating isinagawa sa PCSO Main Office sa Mandaluyong.

Ang mga ChariTimba na ating ipinagkaloob sa kanilang lugar ay ilalaan para sa mga pamilya at iba pang kapus-palad na residente bilang dagdag suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Bilang ahensya para sa kawanggawa, tinitiyak natin na ang mga programa ng PCSO sa ilalim ng CSR ay naipatutupad sa iba’t ibang panig ng bansa sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at iba pang mga ahensya. Makakaasa ang ating mga kababayan na nakaagapay ang PCSO, mapa-ChariTimba man o ibang inisyatiba, sa pagbibigay ng mga tulong at suporta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *