Nagpulong ang Metro Manila Council (MMC) kasama ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang pag-usapan ang mga concern sa NCR.
Kabilang na rito ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipa-audit at ipinasasailalim sa performance review ang lahat ng mga flood control projects sa pamamagitan ng Regional Project Monitoring Committee na kinabibilangan ng mga LGUs.
Tinalakay din sa pagpupulong ang pagbuo ng drainage masterplan at ang pagtatayo ng rain catchment system para maibsan ang pagbaha.
Kabilang sa mga dumalo sa pagpupulong si Las Piñas City Mayor April Aguilar.Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon,Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano, Makati Mayor Nancy Binay, Quezon City Mayor Joy Belmonte, San Juan Mayor Zamora, Taguig Mayor Lani Cayetano, Paranaque Mayor Edwin Olivarez, Pateros Mayor Gerald German, Pasig Mayor Vico Sotto, Mandaluyong MayorCarmelita “Menchie” Aguilar Abalos at MMDA Chairman Artes.
Photos MMDA