Breaking News

PACQUIAO BUMISITA SA PHILIPPINE MARINE CORPS

 

By JUSTIN GILDO

‎Pormal na Bumisita sina International Boxing Association o IBA Vice President Manny Pacquiao at IBA President Umar Kremlev sa Philippine Marine Corps boxer sa Fort Bonifacio, Taguig City upang kamustahin ang mga kabataan na naglalayong maitaguyod ang kahusayan sa larangan ng boxing.

‎naglalayon ang pagbisita ni pacquiao na magbigay inspirasyon sa mga sundalo at kabataan na itaguyod ang kahusayan sa boksing, tulad ng ginawa niya mula sa pagiging aspirant ng military service hanggang sa pagiging global sports icon.

‎Ayon kay Pacquiao ay nakikita niya ang disiplina sa pundasyon ng kadakilaan maging sa loob ng ring o sa paglilingkod sa watawat, ang puso ng isang Pilipinong kampeon ay iisa.

‎Dagdag pa nito na susuportahan nila ang paglalakbay ng mgakabataan upang mas maipakita nila na ang boksing ay isang landas tungo sa pambansang pagmamalaki at kanilang tagumpay.

‎Ang pagbisita ay nagsisilbing isang mahalagang aktibidad na nauugnay sa isa sa mga pinakamahalagang paggunita sa kasaysayan ng boksing: ang 50th Anniversary ng “Thrilla in Manila,”.

‎gaganapin sa bukas October 29, 2025, sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City ang nasabing patimpalak kung saan dadalo dito ang iba’t ibang magagaling na boksingero mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

‎Dadaluhan ito ng Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ng First lady Liza Marcos, ng IBA Vice President Pacquiao, IBA President Kremlev, at ng maraming mga kilalang personalidad sa boksing at mga opisyal ng gobyerno, upang parangalan ang sinomang tatanghaling kampeon sa naturang kompetisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *