P1.125 bilyon halaga ng illegal drugs nasabat ng BOC-NAIA sa loob ng isang taon.
Inihayag ng Bureau of Customs port of NAIA na nakapagtala sila ng kabuuang ₱1.125 bilyon halaga ng illegal drugs ang kanilang nasabat sa Ninoy Aquino International Airport mula Enero hanggang Disyembre 2025.
Ayon sa BOC-NAIA, itoy bahagi ng malapit na koordinasyon sa NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), para masigurong hindi makakalusot ang mga naturang illegal Drugs na ipinupuslit papasok sa bansa.
Kabilang na dito ang ₱778.90 million halaga ng shabu, kasama ang iba pang iligal na droga—kabilang ang party drugs, marijuana, at cocaine—na nagkakahalaga ng ₱346.47 milyon.
Ang pinaigting na inspeksyon at intelligence-driven operation sa pangunahing international gateway ng bansa ay bahagi ng direktiba ng pamahalaan sa kampanya laban sa iligal na droga.
Tiniyak ni BOC-NAIA, District Collector Atty. Yasmin O. Mapa, na patuloy ang kanilang hindi natitinag na pangako sa pangangalagaan ang kaligtasan ng publiko, pagbuwag sa mga transnational drug networks at pag-secure sa mga border ng bansa,. (Tony Gildo)
