Pinangunahan ngayong araw nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva ang symbolic turnover
Nagkaloob ng 2,000 laptops ang Lungsod ngMandaluyong para sa mga public school ICT laboratories na ginanap sa Eulogio Rodriguez Integrated School sa Barangay Hagdan Bato Itaas.
Personal na tinanggap ang nasabing laptops ng mga opisyal ng Mandaluyong Federation of Public School Teachers Association Inc.
Ang mga laptop ay gagamitin para sa mga ICT laboratories ng public schools sa lungsod na bahagi ng patuloy na modernization programs ng Mandaluyong LGU para sa education sector.
Layunin ng nasabing programang na mas mapalakasin pa ang paggamit ng technology sa pagtuturo at mas matulungan ang mga guro sa kanilang daily instructional needs.
Binigyang-diin ni Mayor Menchie Abalos na ang investment na ito ay para sa mas maganda at mas dekalidad na learning environment para sa kabataang Mandaleño.
(Archie Amado)

