Nakipagpulong si MMDA General Manager Usec. Nicolas Torre III kay Pasig City Mayor Vico Sotto ngayong araw, Enero 22, sa opisina ng alkalde.
Sa courtesy visit, iniulat kay Sotto na pininturahan ang skate park sa Pasig na matatagpuan sa East Bank Road, Manggahan Floodway, Barangay Sta. Lucia.
Ito ay nagsisilbing recreational at skating spaces para sa mga Pasigueño.
Siniguro ni Torre ang patuloy na koordinasyon at komunikasyon gayundin ang pagpapanatili ng magandang relasyon ng Pasig at ng MMDA.
Kasama rin sa pulong sina Health, Public Safety and Environmental Protection Office (HPSEPO) Dir. Francisco Martinez, Solid Waste Management Office (SWMO) Dir. Hurdy Denosta, at Flood Control and Sewerage Management (FCSMO) Dir. Mark Navarro.

