Breaking News

PBBM Itinulak ang Mga Repormang Magpapadali sa Araw-araw na Biyahe ng Commuter

 

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpupulong kasama ang Department of Transportation (DOTr) upang talakayin ang mga hakbang na layong tugunan ang pangunahing hinaing ng commuters at motorista. Kabilang dito ang pagdagdag ng mga tren, pagpapalawig ng oras ng operasyon, at patuloy na pagpapatupad ng cashless payments sa MRT at LRT upang mapabilis ang galaw ng pasahero, mabawasan ang pila, at mapagaan ang araw-araw na biyahe.

Tinalakay rin ang panukalang 5-taong validity ng rehistro ng mga bagong sasakyan bilang repormang magbabawas ng paulit-ulit na transaksyon at abala sa mga motorista. Inatasan din ng Pangulo ang DOTr na ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga airline upang tukuyin ang mga paraan para mapababa ang gastos sa domestic air travel, bilang suporta sa turismo at mas abot-kayang paglalakbay para sa mas maraming Pilipino.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *