Breaking News

PCSO nag abot ng ayuda kay Manila Mayor Isko

Iba’t ibang suporta ang hatid ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila matapos ang pamamahagi ng 50 wheelchairs at mahigit ₱9.9 milyong lotto shares noong Abril 7, 2026.

Personal na bumisita si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City upang pormal na tanggapin ang tsekeng nagkakahalaga ng ₱9,958,986.73 bilang bahagi ng kita mula sa benta ng lotto sa kanilang lungsod mula Hulyo hanggang Disyembre 2025, alinsunod sa Executive Order No. 357-A na nagtatakda ng pamamahagi ng porsyento ng naturang kita sa mga lokal na pamahalaan.

Ayon kay Yorme, ang naturang pondo ay makatutulong sa pagpapalakas ng mga programang pangkalusugan at pangkawanggawa sa lungsod.

Ipinagkaloob din natin ang 50 wheelchairs bilang bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR) Program ng aming ahensiya, na ilalaan para sa mga senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at iba pang nangangailangan ng suporta sa kanilang paggalaw at rehabilitasyon.

Sa gitna ng kasalukuyang krisis, asahan ninyo ang aming patuloy na paglilingkod upang matiyak na naipararating ang tulong sa mga higit na nangangailangan, katuwang ang iba’t ibang sektor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *