Breaking News

PCSO Lab for all Caravan naghatid ng tulong sa CDO

Mahigit libo ang nabahagian ng tulong kawanggawa sa Cagayan de Oro sa pamamagitan ng pakikilahok ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa LAB For All Caravan na ginanap sa Capitol University nitong ika-19 ng Mayo.

Ayon kay PCSO GM Mel Robles, Personal tayong nagtungo sa Cagayan de Oro upang pangunahan ang distribusyon ng 1,500 ChariTimba sa mga benepisyaryo ng programa, na nakatanggap din ng iba’t ibang libreng serbisyong pangkalusugan sa aktibidad na ito.

Naging daan din ang LAB For All upang maipagkaloob natin sa Pamahalaang Lungsod ng Cagayan de Oro ang kanilang lotto shares na nagkakahalaga ng ₱1,016,368. Saklaw nito ang lotto shares ng lokal na pamahalaan mula Hulyo hanggang Disyembre 2025.

Bilang dagdag na tulong sa mga benepisyaryo, nakiisa rin sa inisyatibang ito ang Hexaprime Inc., PCSO Small Town Lottery (STL) Authorized Agent Corporation (AAC) para sa Cagayan de Oro at Misamis Oriental. Namahagi sila ng 1,500 food packs, 1,500 sako ng 5-kilong bigas, mga gamot na nagkakahalaga ng ₱100,000, 100 wheelchair, at 47 nebulizer.

Anya, Asahan ninyo ang patuloy na kooperasyon ng PCSO hindi lamang sa makabuluhang LAB For All kundi maging sa iba pang programa ng pamahalaan na sumusuporta sa pangangailangan ng ating mga kababayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *