Breaking News

Acting PNP Chief Nartatez nagbigay ng award sa Sugatang at Nasawing Pulis sa Quezon.

Personal na dinalaw ni Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mga sugatang pulis sa United Candelaria Doctors Hospital sa Quezon upang tignan ang kanilang kalagayan sa nangyaring engkwentro noong Dec. 19 2025 sa Brgy Road malapit sa Sitio Pulyok, Brgy. San Isidro, Candelaria Quezon kung saan nasawi din ang isang pulis na i-dineklarang dead on arrival.

Nangyari ang insidente kung saan nagsasagawa ng mobile patrol ang mga kapulisan nang makasalubong nila ang ilang armadong indibidwal sa may taniman ng saging kung saan agad silang inunahang paputukan ng isa sa mga suspek na  naging dahilan naman upang ipagtanggol ng mga pulis ang kanilang sarili.

Pinaabot ni Nartatez ang kanyang pakikiramay sa pamamagitan ng pagbisita nya sa pamilya ng kanyang nasawing tauhan at kasabay nito ay iginawad nya sa mga  sugatan at magigiting na pulis ang Medalya ng Kadakilaan bilang pagkilala sa kanilang katapangan at sakripisyo. Tinitiniyak din niya anya na agad na maibibigay ang tulong-pinansyal na makatulong sa kanilang gamutan at paggaling at ganon din sa mga pamilya ng nasawing pulis.

Sa mensahe ni Nartatez sinabi nya na hindi nag-iisa ang mga pulis sa oras ng pagsubok. Ang bawat tapang ay kinikilala, at ang bawat sakripisyo ay pinahahalagahan at pagtapos nito ay Naglaan din ng tahimik na sandali si Acting PNP Chief Nartatez upang magbigay ng huling paggalang kay Patrolman Ron Jay Chavez ng 2nd Quezon Provincial Mobile Force Company habang ipinapakita ang paggalang at pasasalamat sa isang pulis na nag-alay ng buhay sa serbisyo.

Ang mga hakbang na ito ay sumasalamin sa isang pamumunong hindi lang nakikita sa mga talumpati, kundi nararamdaman sa mga sandaling pinakamabigat ang pinagdaraanan ng mga tauhan.
Justin  Gildo

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *