May reklamo kami sa Air Asia, Nag book po kami ng round-trip tickets mula Manila papuntang Bacolod last Dec. 27 para umatend sa isang aktibidades doon.
Maayos naman ang papunta; 5:20 ng hapon ang flight kaya walang naging problema.
Ang naging ugat ng lahat ay ang pabalik ko ng Maynila noong December 29. Sa ticket, ang oras ay nakasulat lang na 3:50; walang AM o PM, military time pala ang sinusunod, lalo na at di kami familiar or sanay diyan na nag-book ng ticket ko.
Kaya natural lang na inakala naming 3:50 ng hapon iyon. Kung iyon pala ang sistemang gamit nila, sana mula umpisa hanggang dulo malinaw at pare-pareho ang oras na ipinapakita.
Kampante ako na tama ang intindi ko kaya maaga pa akong pumunta sa airport bago mag 3:50 ng hapon. Doon ko lang nalaman na ang flight pala ay 3:50 ng madaling araw; matagal na palang umalis.
Napaupo talaga ako sa gulat nang sabihin sa akin na forfeited na raw ang ticket dahil hindi ko nasakyan ang flight noong umaga.
Habang nandoon ako, may isa pang pasahero na kasunod ko na dumating at halos pareho rin ang nangyari sa kanya. Naiwan din siya ng eroplano; pareho kami ng flight at pareho rin ang dahilan. Nalito rin siya sa oras na inilagay ng airline sa ticket. Doon ko lalo napagtanto na hindi ito isolated na insidente kundi isang paulit-ulit na problema na direktang nakaaapekto sa mga pasahero.
Mas masakit pa ang sumunod. Sa ticketing office, sinabi nila na alam na raw ng AirAsia ang ganitong mga kaso at sa airline na raw kami direktang magreklamo. Pero parang wala namang malinaw na tugon. May isang empleyado pa ang bumulong sa akin; hindi raw ako nag iisa, marami na raw ang nabiktima ng ganito, karamihan matatanda pa, at madalas wala na lang magawa.
Bilang pasahero, ang pakiramdam ko talo ka agad. Ordinaryong pasahero ka at malaking kumpanya ang kaharap mo. Kapag nagkamali ka ng intindi dahil sa hindi malinaw na impormasyon, ikaw agad ang mawawalan. Para sa akin, hindi na ito simpleng kalituhan; parang sistemang pumapabor sa airline at iniiwan ang pasahero. At kaya ikinukuwento ko po ito sir, kasi harapang panloloko na ito sa mga tao at tingin ko, panahon na para humingi ng tulong at pansin para ma-address na ito. Kung may puwedeng sumilip at magtanong sa ganitong sistema, kayo po iyon. Hindi lang ito tungkol sa akin; tungkol ito sa mga pasaherong paulit-ulit na naaagrabyado pero walang boses.
Salamat sa mabilis ninyo aksyon ako si Dennis Villoso
