Breaking News

Bagong Hepe ng Las Pinas Police

Pormal na idinaos ang Turnover of Office Ceremony ng Las Piñas City Police Station bilang bahagi ng maayos na pagpapalitan ng pamumuno sa hanay ng kapulisan.

Sa pangunguna ni PBGen. Randy Y. Arceo, District Director ng Southern Police District, isinalin ni outgoing PCol. Sandro Jay DC Tafalla ang tungkulin ng Chief of Police kay incoming PCol. Wilson O. Delos Santos.

Dumalo bilang Guest of Honor and Speaker si Mayor April Aguilar, bilang pagpapakita ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod sa kapulisan at sa adhikaing mapanatili ang kaayusan, disiplina, at kaligtasan sa lungsod. Lubos ang pasasalamat ni Mayor April kay dating Col. Tafalla para sa kanyang malaking ambag sa kaligtasan at kaayusan ng lungsod.

Binigyang-diin ni Mayor April ang kahalagahan ng nagkakaisang serbisyo, maayos na pamamahala, at matibay na ugnayan ng lokal na pamahalaan at ng Philippine National Police. Ang naturang turnover ay sumasalamin sa paninindigan ng Las Piñas sa propesyonalismo at responsableng pamumuno, bilang pundasyon ng isang ligtas at maayos na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *