Lubos ang pasasalamat ng mga riadente ng bayan ng Burdeos Quezon sa Khalsa Aid International, matapos na ma mahagi ito sa kanilang bayan ng mga free sacks of rice at solar lights.
Ayon kay Burdeos Mayor Gina Gonzales patuloy na pagsusumikap na maihatid ang tulong sa bawat pamilya, isinagawa ang pamamahagi ng ayuda sa Brgy. Bonifacio at Brgy. Mabini, kung saan lahat ng household ay nabigyan ng tig-20 kilos ng bigas. 🤍
Kasabay nito, matagumpay ring naipamahagi ang mga solar lights with panel:
91 units – Brgy. Mabini
87 units – Brgy. Bonifacio
25 household solar lights – Sitio Pupundon, Brgy. Cabungalunan
Nabigyan din ng solar lights ang ating paaralan, simbahan, health center, pantalan, barangay hall, at daycare center upang mas mapalakas ang seguridad at masiguro ang mas maliwanag na komunidad para sa lahat.
Lubos ang pasasalamat sa Khalsa Aid International sa kanilang patuloy na suporta at malasakit sa ating bayan. Ang ganitong pagkakaisa ay patunay na walang maiiwan sa ating adhikain para sa mas maunlad at mas maliwanag na kinabukasan.


