Breaking News

DOTR:Davao International Airport mas pinaganda ang Pasilidad

 

Nakapag-install na ng karagdagan at bagong malalaking chiller ang Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa arrival area ng Davao International Airport (DIA), para sa mas maginhawang biyahe ng mga pasahero.

Matatandaang nagtungo si DOTr Secretary Giovanni Lopez sa naturang paliparan para mag-inspeksyon noong Oktubre ng nakaraang taon.

Agad ipinag-utos ng Kalihim na dagdagan ang chiller sa airport matapos mapansin ang init sa loob ng paliparan nang nasira ang ginagamit na chiller.

Ayon kay Sec. Lopez, dapat ay laging may naka-antabay na reserbang chillers para sakaling masira ang isa, may iba pang chiller na magagamit nang di mainitan ang mga pasahero.

Ito’y bilang tugon na rin sa utos ng Pangulo na tiyaking may maayos na pasilidad ang mga paliparan sa bansa, para matiyak na komportable ang mga pasaherong nagtutungo sa airport.

Ayon kay Secretary Lopez, tatlong bagong malalaking chillers ang inilaan sa Davao International Airport bilang bahagi ng patuloy na expansion at rehabilitation ng passenger terminal building nito.

“Malaking tulong itong tatlong bagong chiller sa air conditioning capacity ng Davao International Airport. At nais din nating pagandahin ang iba pang mga paliparan sa bansa. Ang focus talaga natin dito ay ‘yung direktiba ng Pangulo na siguruhing mas maayos at komportable ‘yung biyahe ng mga pasahero,” ani Secretary Lopez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *