Breaking News

Founder ng PMCC 4thWatch Hinatid na sa huling hantungan sa lungsod ng Imus Cavite.

Naihatid na sa huling hantungan ang leader at founder ng PMCC 4thWatch ang mga labi ni apostle Arcenio Ferriol sa malagasang 2D sa lungsod ng Imus Cavite.

Si apostle Ferriol na tinaguriang the Goodman of the house ang nagsisilbing founder at leader ng simbahan ng PMCC 4thWatch na itinatag noong 1973.

Si apostle Arcenio Ferriol ay namayapa noong May 19 kung saan siya ibinurol ng ilang linggo sa maranatha christian academy para hintayin ang iba pang miyembro at kaanak mula sa ibang bansa.

Samantala kinumpima ni Bishop Jonathan Ferriol na napagkasunduan ng PMCC 4thWatch na siya na ang opisyal na papalit sa posisyon ni apostle Arcenio Ferriol para mangasiwa at magpapqtuloy sa mga adhikain ng simbahan.

Ayon kay Bishop Jonathan Ferriol ipagpatuloy ng 4thWatch ang legacy na iniwan ng kanyang ama at pagtulong sa mga kapos palad sa pamamagitan ng medical and dental mission pamamahagi ng relief goods sa mga biktima ng kalamidad.

About The Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *