Bilang paghahanda sa itatayong Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) College of Allied Health Sciences building personal na ininspeksyon ni Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang ilang bahagi ng Ospital ng Maynila.
Layunin ng proyekto na higit pang palakasin ang kakayahan ng PLM sa paghubog ng mga magiging doktor, nars, at iba pang health professionals at bilang mahalagang ambag ng Pamahalaang Lungsod sa nation-building.
Tiniyak din ng Alkalde na ipapaayos ang Emergency Room ng Ospital ng Maynila upang makapagbigay ng mas maayos na serbisyong medikal sa mga Manileno.
(Archie Amado)

