Muling nakibahagi ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa isinagawang LAB for All Caravan ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa Subic Bay Exhibition and Convention Center nitong Martes, Pebrero 24, 2026.
Ayon kay PCSO GM Mel Robles siya mismo ang naging katuwang ni First Lady sa pamamahagi ng 1,500 ChariTimba para sa mga residente ng Zambales bilang dagdag-tulong sa kanilang mga pangangailangan.
Bukod sa ChariTimba, ipinagkaloob din ng ahensya sa apat na lokal na pamahalaan ang mga tseke na sumasaklaw sa lotto shares ng PCSO mula Hulyo hanggang Disyembre 2025. Ang mga sumusunod na local government unit ang nakatanggap ng lotto shares:
• Zambales: ₱371,887.30
• Olongapo City: ₱650,460.89
• Subic: ₱207,612.66
• San Marcelino: ₱47,133.05
Sa pamamagitan ng pakikilahok natin sa programang LAB for All na nagbibigay ng mga libreng serbisyong medikal, nailalapit natin ang iba pang serbisyo sa ating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng bansa.

