Umabot sa dalawampung sako ng burak ang nakolekta mula sa drainage sa may UN Avenue at dalawampung sako ang naipon sa kanto ng Taft Avenue at P. Faura Street habang
sako-sakong basura naman ang nakolekta sa may P. Quirino Ave. kanto ng San Marcelino St., Brgy. 723, at Adriatico St. kanto ng Malvar St. sa Malate sa isinagawang declogging ng Department of Engineering and Public Works.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi pa rin ng mga hakbang ng pamahalaang lungsod ng maynila na panatilihing malinis at maayos ang mga lansangan gayundin ang mga kalsada kaya Sunod-sunod ang isinagawang declogging operations sa ilang bahagi ng lungsod ng binabaha kapag umuulan.
Matatandaan na nitong nakaraan taon, ilang beses na binaha ang Taft Ave mula Kalaw hanggang Malvar street kahit pa walang bagyo at thunderstorm lamang ang naranasan.
Samantala,sinimulan naman ng DPWH-NCR ang paglilinis sa mga drainage sa kahabaan ng Taft Avenue.
(Archie Amado)

