Breaking News

₱1.5B Smuggled Tobacco, nasabat ng PNP

Nasamsam ng Philippine National Police (PNP) ang ₱1.5 bilyong halaga ng mga unregistered tabako na tinukoy ng pulisya bilang smuggled cigarettes sa Malabon.

Isinagawa ang operasyon noong bisperas ng Bagong Taon kung saan natagpuan ng mga awtoridad ang mga smuggled cigarette sa loob ng isang cargo facility at tatlong indibidwal ang inaresto dahil sa kakulangan ng dokumento.

Sa briefing, si Acting PNP Chief Jose Melencio C. Nartatez Jr. mismo ang naglahad ng detalye ng operasyon.

Sa halip na magpokus lang sa resulta, ipinaliwanag niya kung paano sinundan ang impormasyon, paano nanatiling handa ang mga yunit, at kung paanong naging mahalaga ang koordinasyon ng pulisya at mga katuwang na ahensya.

Kasama rin sa briefing ang mga opisyal ng Highway Patrol Group, Northern Police District, at Bureau of Customs Enforcement Group.

Iisang mensahe ang malinaw: may direksyon, may pamumuno, at magkakasabay ang kilos sa loob ng Philippine National Police.

Sa ngayon ay patuloy pa din na iniimbestigahan ng PNP kung may koneksyon nga ba ang huli sa Malabon sa isa pang malaking kaso ng pinaghihinalaang smuggled cigarettes sa Batangas City, na maaaring magpahiwatig ng mas malawak na smuggling network.

Sa utos ni Acting PNP Chief Nartatez, pinalawak ang imbestigasyon upang matukoy ang ugnayan ng mga insidente.

Habang ipinapakita naman ng operasyon ang direksyon ng pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.—disiplina sa pagpapatupad ng batas at mas pinatibay na inter-agency coordination—na sinusuportahan ng panawagan ni Jonvic Remulla, Secretary of the Interior and Local Government, para sa malinaw na pananagutan.

Mula sa isang operasyon sa Malabon, malinaw na lumalawak ang kampanya laban sa smuggling patungo sa sistematikong pagbuwag ng mga ilegal na network. Sa ganitong balangkas, ang batas ay hindi lamang ipinahahayag kundi aktibong naipapatupad.(JUSTIN GILDO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *