Breaking News

MAYOR MEL AGUILAR BASKETBALL LEAGUE UMAARANGKADA SA LAS PIÑAS CITY

Umaarangkada ang Mayor Mel Aguilar Basketball League, isang inter-barangay basketball league na opisyal na inilunsad sa Verdant Covered Court sa Barangay Pamplona Tres sa Las Piñas City nitong June 15.

Opisyal itong binuksan nina Mayor Imelda Aguilar, Vice Mayor April Aguilar at Alelee Aguilar-Andanar upang ipakita ang kanilang suporta sa masiglang pagsali ng komunidad .

Binigyang-diin ni Mayor Aguilar ang kahalagahan ng sports sa pagsusulong ng pagkakaisa at malusog na pamumuhay ng mga residente.

Ipinahayag naman nina Vice Mayor April Aguilar at Alelee Aguilar-Andanar ang kanilang mainit na suporta para sa liga at ang ginagampanang papel nito na palakasin ang ugnayan sa komunidad.

Layunin ng Mayor Mel Aguilar Basketball League na isulong ang sportsmanship at pakikibahagi ng komunidad bilang plataporma sa kabataan na itampok ang kanilang talento at para sa mga residente na suportahan ang kanilang lokal na koponan.

About The Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *