Mas pinalakas ng Marikina LGU ang kanilang Barangay Health Centers, pagdaragdag ng Alaga Centers, at pagpapalawak ng medical services tulad ng libreng gamot, salamin, pustiso, at pinalawak na maternal at child care matapos ibahagi ni Mayor Maan Teodoro sa unang Flag Ceremony, ang mga hakbang sa pagpapaunlad ng mga serbisyo at proyekto ng Lungsod ng Marikina ngayong taon.
Kabilang dito ang pagsisimula ng digitalization sa pamamagitan ng isang Integrated App na kasalukuyang dine-develop na magsisilbing online access ng mga taga-Marikina sa mga serbisyo at transaksyon sa City Hall,mas malinaw ang proseso,transparent,mabilis, at mas may alaga.
Inanunsyo rin ni Mayor Teodoro na ililipat ang CSWDO sa ground floor ng City Hall upang mas mailapit at maging mas bukas ang serbisyo, lalo na para sa mga senior citizens, indigent, at pamilyang nangangailangan ng tulong.
Ilulunsad din ang marami pang Animal Welfare programs, kasabay ng pagbubukas ng Marikina Animal Rescue and Shelter.
(Archie Amado)

