umaabot sa 645 na mga beneficiaries ang nabiyayaan sa ginanap na simultaneous indemnity check distribution sa isla ng bayan ng Burdeos lalawigan ng Quezon.
Ang programa ay ginanap sa Burdeos Gymnasium nitong enero 14,2026 at kabuuang 2.6 million pesos ang naipamahagi nito sa nagpapasalamat naman ang kanilang alkalde Si Mayor Gina Gonzales sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) .
Matagumpay anya naisagawa ang pamamahagi ng tseke mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para sa mga magsasaka at mangingisdang nag-report ng pinsala dulot ng Bagyong Uwan at iba pang insurance claims.
Ang programang ito ay layong magbigay ng agarang tulong-pinansyal para sa kanilang pagbangon matapos ang kalamidad.
Ayon kay Mayor Gina Ang nasabing ayuda ay magsisilbing mahalagang suporta at dagdag puhunan upang muling makabangon at makapagsimula ang ating mga magsasaka at mangingisda.
Lubos ang pasasalamat sa PCIC, sa Lokal na Pamahalaan ng Burdeos, at sa lahat ng katuwang na ahensya sa patuloy na pagtulong sa sektor ng agrikultura.
Sama-sama nating itaguyod ang mas matatag at handang komunidad sa harap ng mga hamon ng kalikasan.


