Pormal nating nilagdaan ang isang memorandum of agreement sa pagitan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Philippine Racing Commission (PHILRACOM) nitong Lunes, January 19, 2026 tanda ng ating patuloy na pagsuporta sa industriya ng horse racing sa bansa.
Sa isang seremonya na ginanap sa PCSO Main Office sa Mandaluyong, nakasama natin si PHILRACOM Chairperson Aurelio De Leon upang palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang ahensya.
Sa ilalim ng kasunduan, nakatakdang maglaan ang PCSO ng mga papremyo at tropeo para sa iba’t ibang karera na idaraos ngayong 2026. Para sa 14 na horse racing events ngayong taon, ipagkakaloob ng PCSO sa PHILRACOM ang kabuuang halaga na P17,250,000.
Hindi lamang ito simpleng pagpapakita ng suporta sa PHILRACOM, kundi pagtupad sa aming mandato sa ilalim ng Republic Act No. 1169. Alinsunod sa batas na ito, ginagamit ng PCSO ang kita mula sa mga palaro upang suportahan ang mga industriyang gaya ng horse racing na nakatutulong din sa paglikha ng pondo para sa mga programang pangkalusugan at serbisyong pangkawanggawa ng bansa.

