Pang. Marcos, Jr. magtatalaga ng bagong Director ng NBI
Itinalaga ni Pang. Ferdinand Marcos, Jr. si dating Cabinet Secretary ni Ex- President Rodrigo Duterte si Atty. Melvin Matibag bilang direktor ng National Bureau of Investigation (NBI).
Sa press briefing, kinumpirma ni Palace Press Officer at Communications Usec. Claire Castro, ang pagpapalit ni Matibag kay NBI Acting Director Angelito Magno, na itinalaga noong Disyembre.
Si Matibag ay kilalang kaalyado ni dating Pang. Rodrigo Duterte, at nagsilbi pang Cabinet Secretary sa nakaraang administrasyon.
Nagsilbi ring Secretary-General si Matibag para sa Partido Demokratiko Pilipino (PDP-Laban), na political party ni dating Pang. Duterte.
Ayon kay Castro, wala pang naibibigay na dahilan ang Palasyo kung bakit papalitan ang NBI director, at kung bakit si Matibag, na kaalyado ni dating Pang. Duterte, ang napili sa posisyon.
Pero naniniwala si Castro na may tiwala ang pangulo sa opisyal kaya ito napiling pumalit sa posisyon.
Sa ngayon wala pa rin umanong impormasyon kung kailan manunumpa at pormal na magsisimula ang panunungkulan ni Matibag sa NBI.
