Matapos ang palitan ng pahayag sa pagitan ni PCG Commodore Jay Tarriela at ng Chinese Embassy ukol sa WPS.
Nagpahayag ng full support ang grupo nila Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at ng Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY).
Ayon kay Dr. Jose Antonio Goitia, hindi dapat payagan ang anumang banta sa soberanya ng Pilipinas.
Ito ay kaugnay ng pagbubunyag ni Tarriela ng mga insidente ng panghihimasok sa karagatan.
Igiit ni Goitia, ang paglalahad ng katotohanan ay bahagi ng patakaran ng administrasyon na ipaalam sa publiko ang sitwasyon sa WPS.
Idinagdag niya na susunod ang Pilipinas sa UNCLOS at 2016 Arbitral Award upang ipagtanggol ang kasarinlan.
Samantala, sinuportahan ng DFA ang mga institusyong nagsasanggalang sa kalayaan ng bansa. (Justin Gildo)
