Personal na iginawad ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang Champion of the Urban Poor Award kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Melquiades “Mel” Robles bilang pagkilala sa kanyang makabuluhang ambag at patuloy na suporta sa mga programa at proyektong tumutulong sa sektor ng maralitang tagalungsod.
Pinangunahan ni PCUP Chairperson at CEO Usec. Michelle Anne “Che-Che” B. Gonzales, kasama sina Atty. Bret Monsanto, Commissioner-PCUP, Commissioner Rey Galupo, at Chief of Staff Ms. Media Zofia Canlas ang paggawad ng parangal na ginanap sa PCSO Mandaluyong Main Office.
Ang Champion of the Urban Poor Award ay iginagawad sa mga ahensya at institusyong may malinaw at konkretong kontribusyon sa pagpapabuti ng kalagayang panlipunan at pangkabuhayan ng mga maralitang Pilipino, bilang katuwang ng PCUP sa pagsusulong ng inklusibo at makataong pag-unlad.


