Limang unit ng ultra-portable AI X-ray machines ang ibinigay ng
Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) personal na iniabot ni PCSO GM Mel Robles
Sa Philippine Navy, Naval Station Jose Andrada sa Roxas Boulevard, Manila, Pebrero 20, 2026.
Personal na tinanggap ni Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta PN, Flag Officer in Command ng Philippine Navy, ang mga kagamitan na magpapalakas sa kakayahan ng kanilang hanay sa pagbibigay ng mabilis, episyente, at de-kalidad na serbisyong medikal sa mga barko, kampo, at ospital ng Philippine Navy lalo na sa panahon ng operational deployment at humanitarian assistance and disaster response missions.
Bahagi ito ng Medical Equipment Donation Program (MEDP) ng PCSO kung saan kabilang sa ating mga benepisyaryo ay ang mga ospital na pinapatakbo ng mga lokal na pamahalaan, Department of Health (DOH), gayundin ang mga ospital ng militar, Philippine National Police (PNP), at ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas gaya ng Philippine Navy.
Hindi biro ang misyon ng ating mga magigiting na sundalo na protektahan ang bansa. Kaya hangad natin na sa inisyatibang ito, maramdaman nila na kaisa nila ang ahensya, pati na rin ang taumbayan, sa kanilang makabansang layunin.

