Isinusulong ni Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Melquiades A. Robles, ang information campaign kaugnay sa gaming abuse at addiction upang pagkamit ng Level 3 Accreditation ng PCSO para sa Responsibleng Gaming Framework mula sa World Lottery Association (WLA) noong Enero 2026.
Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa mga pandaigdigang pamantayan ng PCSO sa bawat palaro upang maiwasan ang abuso at adiksyon sa mga tumatangkilik sa lotto.
Kabilang dito ang mahigpit na pagbabawal sa mga edad 17 pababa na tumaya sa lotto ng PCSO, gayundin ang malinaw na Paglalahad ng mekanismo ng laro, mga tuntunin at kondisyon, at tiyak na halaga ng mga papremyo sa bawat lotto draw bilang gabay sa mga mananaya.
Bilang isang world-certified na lotto operator, makakaasa ang publiko na patuloy ang PCSO sa pagsulong ng responsible gaming sa lahat ng aspekto upang manatiling ligtas, tapat, at maaasahang daluyan ng tulong ang mga palaro ng ahensya para sa sambayanang Pilipino.
