Pinalakas ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pagbibigay ng mga programa at serbisyo sa larangan ng edukasyon, kabuhayan, at trabaho para sa sektor ng maralitang tagalungsod sa pamamagitan ng isang Memorandum of Understanding (MOU).
Opisyal na nilagdaan nina PCUP Chairperson at CEO Usec. Michelle Anne “Che-Che” B. Gonzales at TESDA Director General Secretary Jose Francisco “Kiko” B. Benitez ang MOU noong ika-22 ng Enero, 2026, na naglalayong makapaghatid ng mga technical skills training sa ilalim ng Technical Vocational Education and Training (TVET) para sa mga benepisyaryo ng PCUP.
Pangunahing makikinabang sa kasunduang ito ang mga accredited urban poor organizations sa buong bansa, gayundin ang mga indibidwal mula sa mga lungsod, karatig-lalawigan, at mga resettlement sites.
