Mag-iikot ang Makati Veterinary Services Department upang magbigay ng libreng anti-rabies vaccination simula February 11, 2026, mula 8:30 AM hanggang 3:00 PM.
Magsisimula ang bakunahan sa Dallas St. corner Evangelista at magpapatuloy sa mga susunod na araw hanggang mapuntahan ang lahat ng kalye sa Barangay Bangkal.
Hintayin lamang ang pagdaan ng VSD team at isa-isang pupuntahan ang bawat bahay.
Dapat nakahanda narin ang vaccination cards ng kanilang mga alagang hayop.
(Archie Amado)
