Breaking News

PNOC pinabibilisan ang pagkilos sa gitna ng nararanasan ngayon fuel crisis

Nanawagan si 4p’s Party-list Minority Floor Leader Rep Marcelino Libanan ng agarang pagkilos ng Philippine National Oil Company (PNOC) upang paunlarin ang mga kritikal na coastal fuel storage facilities sa Visayas at Mindanao.

Sa gitna ng lumalalang tensyon sa pandaigdigang suplay ng langis, malinaw na hindi na maaaring ipagpaliban ang pagtatatag ng matibay at maaasahang buffer stock ng bansa.

Ang pagkakaroon ng government-managed petroleum reserves ay magsisilbing panangga laban sa biglaang pagtaas ng presyo at kakulangan sa suplay. Mahalaga ito upang matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon ng transportasyon, agrikultura, at iba pang pangunahing sektor ng ating ekonomiya, lalo na sa mga rehiyong madalas na nahuhuli sa distribusyon ng suplay.

Ang agarang pag-develop ng coastal storage facilities sa Visayas at Mindanao ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas balanseng distribusyon ng enerhiya at pambansang seguridad. Dapat nating tiyakin na ang bawat bahagi ng bansa ay may sapat na akses sa suplay ng langis sa panahon ng krisis.

Ang hakbang na ito ay ganap na naaayon sa mandato ng PNOC na tiyakin ang katatagan ng suplay ng enerhiya at itaguyod ang ating kakayahang maging mas self-sufficient. Sa harap ng patuloy na banta ng global supply disruptions, ang maagap na aksyon ngayon ay susi upang maprotektahan ang kapakanan ng bawat Pilipino sa hinaharap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *