Pormal na tinangap ni Transportation Secretary Banoy Lopez ang dalawang bus na donasyon mula sa Vallacar Transit, Inc. para sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sinabi ni Secretary Lopez na malaking tulong sa ahensya ang dalawang bus mula sa Vallacar Transit, Inc. para matupad ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mailapit ang serbisyo ng pamahalaan sa publiko.
“Nagpapasalamat tayo kay Mr. Leo Rey Yanson at sa bumubuo ng Vallacar Transit, Inc. dahil mas maraming kababayan tayong maseserbisyuhan at matutulungan,” ani Secretary Lopez.
Ang dalawang bus ay gagamitin ng DOTr para makapagbigay ng libreng sakay sa mga stranded na komyuter sa panahon ng bagyo at iba pang kalamidad, habang ang LTFRB Mobile Office Bus ay gagamitin para mailapit ang serbisyo nito sa mga PUV operators at drivers.
Kasama ni Secretary Lopez na tumanggap ng donasyon sina Transportation Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor, LTFRB Board Member Atty. Greg Pua Jr.
at LTFRB Executive Director Loumer Bernabe.

