Panibagong Simula sa Bagong Taon Sinalubong ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila
Nagpahayag ng pasasalamat si Mayor “Isko” Moreno Domagoso matapos maitawid ang mga hamon sa taong 2025 at ang pagsalubong sa bagong taon at panibagong pasimula ng Lungsod ng Maynila.
Hinikayat ng Alkalde at pinaalalahanan ang lahat ng mga kawani na maglingkod nang may kababaang-loob, malasakit, at paggalang sa bawat mamamayang pinaglilingkuran at isabuhay ang tunay na diwa ng serbisyo publiko sa araw-araw na gawain.
Sa pamamagitan aniya ng sama-samang pagkilos at pagtutulungan ng buong pamahalaang lungsod, muling makakaraos ang Maynila at makakamit ang isang mas mapayapa at masaganang lungsod sa taong 2026.
(Archie Amado)
