Breaking News

100 Chinese National ipinatapon na ng PAOCC at immigration pabalik ng China.

 

Aabot isang daan Chinese National ang tuloyan ng ipinatapon ng presidential anti organized crime commision PAOCC at Bureau of immigration pabalik ng China.

Ang mga naturang dayuhan ay sangkot sa pag ooperate ng illegal operation sa mga scam hub at illegal ofshore gaming activities.

Ayon sa PAOCC, ang mga dayuhan ay nahuli sa magkakahiwalay na operasyon ng PAOCC sa ° Lapu-Lapu City, Cebu noong August 31, 2024
• Silang, Cavite – January 16, 2025
• Parañaque City – February 20, 2025 habang sa
• Pasay City –noong February 27, 2025

Lulan ang mga Chinese ng PAL Flight PR336, sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 na nakatakdang umalis ng 10:30 ng umaga patungong Shanghai, China.

Ang pagpapa-deport sa mga dayuhan ay alinsunod sa direktiba ng Marcos administration upang tuluyan nang masawata ang mga iligal na operasyon ng mga foreign national sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *