Breaking News

“Black” state ng Pilipinas, applicable lang noong Duterte admin

Pumalag ang Palasyo ng Malakanyang sa pasaring na campaign ad nina Senador Imee Marcos at Vice President Sara Duterte na nasa “black” state o “itim” ang kulay ng Pilipinas ngayon dahil sa samu’t-saring problema tulad ng kriminalidad at kawalan ng hustisya.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro l, kung nagkaroon man ng madilim at malagim na karanasan ang bansa, ito ay sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kapag sinabi na itim ang kulay ng bansa, mas madedescribe natin ang nakaraang administrasyon na sobrang itim at ngayon ay papaliwanag sa panahon ng kasalukuyang administrasyon,” pahayag ni Castro.

Katunayan, sinabi ni Castro na mas mababa ang crime rate at poverty incidence sa ilalim ni Pangulong Marcos kumpara sa panahon ni Duterte.

Ipinunto pa ni Castro na mahigit P7 trilyong ang utang ni Duterte at libo-libong namatay sa war on drugs.

“Papunta na po sa paputi. Konting kulay na lang, maputi na. Hindi pa perfectly white, pero doon po patungo ang kasalukuyang administrasyon,” pahayag ni Castro.

“Maging mapanuri, huwag magpaloko sa mga sinasabi ng iilang campaign ads. Alamin ang katotohanan, iwasan ang fake news. Dignidad mo, boto,” pahayag ni Castro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *