Isinagawa ngayong araw ang Inaugural Session ng ika-12 Sangguniang Panlunsod ng Las Piñas. Masigasig na pinamunuan at pinasimulan ni Vice Mayor April Aguilar ang kauna-unahang sesyon ng ngayong araw. Maliwanag na inilahad ni Vice Mayor ang kanyang mga hangarin para sa ikakaganda at ikauunlad pa ng mga proyekto at mga batas na kanilang pagsusumikapang ipasa para sa kapakinabangan ng lahat ng mga Las Piñero.
Kumpleto namang dumalo ang lahat ng mga konsehal mula sa District 1 at District 2 na nagpakita rin ng suporta sa pamunuan ng Las Piñas. Pinasalamatan din ito ng bise alkalde at kanyang binanggit na ang lahat ng kagandahan para sa Las Piñas ay magmumula rin sa pakikipagtulungan ng konseho sa administrasyong ito.
Ipinabatid din ni Mayor Imelda Aguilar ang kanyang pagbati sa pamamagitan ng kanyang pagbahagi ng kanyang State of the City Address kung saan kanyang ipinahayag ang mga napagtagumpayan ng lungsod nitong kanyang nakaraang termino. Ipinaabot din ni Mayor Imelda Aguilar ang kanyang maalab na pasasalamat sa buong Sangguniang Panlunsod at sinabing ang kanyang suporta ay palagi niyang ibibigay lalo na sa mga bagay na ikauunlad ng bayan at ng ating mga mamamayan.