Breaking News

PBBM sa NIA: Pakinggan ang hinaing ng mga magsasaka

Umapela si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa National Irrigation Administration (NIA) na pakinggan ang mga hinaing at alalahanin ng mga magsasaka at gamitin ang farm machinery na ibinigay ng pamahalaan.

Sa ceremonial turnover ng 229 bagong operations and maintenance equipment and vehicles sa Barangay Wawa sa Taguig City, umapela si Pangulong Marcos sa mga kawani ng NIA na ingatan, alagaan at gamitin ang mga sasakyan at pasilidad ng wasto.

Saksi aniya siya sa sipag at paglilingkod sa mga magsasaka, subalit hiniling niya na mas paigtingin pa ang kanilang pagsisilbi at makinig sa kanilang mga hinaing.

Maliban dito , inatasan din ng Pangulo ang NIA na agad tugunan ang mga pangangailangan ng mga local farmers.

Ang nasabing programa ay bilang suporta sa direktiba ni Pangulong Marcos para mabilis ang irrigation project development na bahagi ng mas malaking efforts para mapatibay ang sektor ng agrikultura.

Sa pamamagitan nito ay epektibo rin makatuugon ang gobyerno sa tumataas na demand ng irrigation service delivery lalo na at nahaharap ang bansa sa epekto ng climate change at extreme weather conditions, kabilang na ang El Niño phenomenon.

Sa kasalukuyan, ang ahensiya ay may pinamamahalaan na 257 National Irrigation System at 8,802 Communal Irrigation Systems, at responsable din sa pag repair, operation at maintenance ng mga pangunahing canals at irrigation infrastructure.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *