Minaliit lamang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ang mababang trust ratings.
Ayon sa Pangulo, hindi dapat na gawing basehan ang trust ratings sa trabaho.
Base sa Pulse Asia survey, nasa 32% lamang ang trust ratings ni Pangulong Marcos habang si Vice President Sara Duterte ay nakakuha ng 50%.
”Madaming ibang survey. Let’s not base it on one,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Tanong ni Pangulong Marcos sa media kung anong kompanya ang nagsagawa ng survey. Sagot ng media, Pulse Asia.
Ayon sa Pangulo, dapat ikunsidera ang source ng survey.
“Again, , let’s look at other surveys before we — know your source. That’s a – that’s always an… Imperfect information makes you make imperfect decisions. The more perfect your information, the more perfect your decision will be. That is one source of information, and you have to understand where it’s actually coming from,” pahayag ni Pangulong Marcos.
