Para sa mabilis na pagtugon sa emergency response operations sa buong lungsod mas pinalawak pa ng Taguig City ang kanilang Command Center na nagsisilbing central operations hub sa pamamagitan ng pag upgrade kanilang ng facility live CCTV monitoring wall at ang 400 bagong naka-install na CCTV camera sa kanilang system na may kabuuang dalawang libong active CCTV na naka-deploy sa mga pangunahing kalsada, pampublikong lugar, at matraffic na lugar.
Nilagyan ito ng High-Definition at AI-Enabled Technology,Cameras Support Low-Light Monitoring,Auto-Tracking Perimeter,Inclusion Detection,People and Vehicle Analytics,Privacy Protection kabilang ang Automatic Face and Body Masking ay isinama upang matiyak ang responsable at secure na paggamit ng surveillance data
Kasama rin sa operasyon ng Command Center ang Taguig Community Report, na mapupuntahan sa pamamagitan ng TLC Portal na inilaan para sa sitwasyong pang-emergency tulad ng aksidente, krimen, sunog, at medical incidents, at nagsisilbing karagdagang channel sa pag-uulat kasama ng mga kasalukuyang emergency hotline.
Ang mga Non-emergency concerns, tulad ng drainage issues,road constructions, o service request, ay dapat na patuloy na e report sa naaangkop na mga tanggapan ng lungsod upang maiwasan ang pagsisikip ng mga channel sa pag-uulat ng emergency at matiyak ang agarang aksyon sa mga agarang kaso.
(Archie Amado)

