Breaking News

Boundary ng Quezon Province at Laguna solve na?

Boundary ng Quezon Province at Laguna solve na?

Nag kasundo na ang mga opisyal ng infanta Quezon at Santa Maria Laguna, para magbuo ng Technical Working Group (TWG) para pormal na ayusin na ang sigalot dekada na hingil sa pagitan ng mga magka katabing bayan,

Ang mga opisyal na nag pulong ay pinangunahan Nina Mayor L.A. RUANTO at
Santa Maria Mayor Cindy Carolino kasama ang administrator at mga konsehal ng kapwa bayan.

Tinalakay ang usapin sa Territorial Dispute lalo na sa pagtatayuan ng welcome Arko sa Infanta, Quezon.

Ayon kay Mayor Ruanto, malaking tulong ang pagkakaunawaan ng bawat bayan na maayos na maresolba ang matagal ng problema na dapat mabigyan ng pansin ng pamahalaan dahil apektado dito ang mga residenteng naninirahan sa lugar.

Sinabi ng alkalde, na matutuloy ang paglalagay ng arko ng Infanta kaya lamang kailangan ng maaayus na koordinasyon at nasa legal ang lahat na proceso.

Ayon naman kay Santa Maria Mayor Cindy Carolino ang technical working group ang magiging susi sa maayus na kasunduan kasama na dito ang Bayan ng Real para ma-plantsa ang bawat inaangkin nitong mga lupain na layon nito upang maging mapanatag ang isipan ng mga residente na apektado sa nasabing usapin.

Anya, minana nila ni Mayor Ruanto ang mga problema Ito kaya’t tutugunan nila ito sa là Long madaling panahon para magkaroon ng linaw na walang magaganap na bangayan dahil bukas umano ang bawat isa sa pagtalakay kasama na dito ang Department of Agrarian Reform at Department of Environment and Natural Resources upang matuldukan na ang matagal ng usapin sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *