Breaking News

Chinese National Kandidato Pasay city?

 

Inaalam na ng Pasay City COMELEC District 2, ang ulat na mayrun di umanong kandidato na kwestyonable ang kanyang Citizenship na kung saan malaki ang posisbilidad na makansela ang kandidatura nito sakaling mapatunayan.

Ayon Kay Election Officer IV Atty. Alvin Tugas,tumanggi muna niyang babangitin ang pagkaka kilanlan ng kandidato habang naghihintay sila ng pormal na reklamo sa impormasyon na Nakarating sa kanilang tanggapan ang kumakalat na balita na mayroong isang kandidato para konsehal ng lungsod na ang mga magulang ay pawang parehong Chinese National.

Sa kabila ng mga bali-balita ay binigyang-linaw ni Tugas na hanggang sa kasalukuya ay wala pa silang natatanggap na reklamo kaugnay sa citizenship ng isang tumatakbong konsehal sa distritong hawak-hawak niya.

Iginiit ni Tugas na sa sandaling may maghain ng reklamo at napatunayan ito ay maaring nagkaroon ng mis-representation na siyang gagamiting grounds para sa disqualification ng isang kandidato.

Nanindigan di si Tugas na sa sandaling manalo ang naturang kandidato sa darating na halalan ay maari pa naman itong habulin sa paghahain ng quo warranto isyu ng kanyang citizenship.

Kaugnay nito hanggang sa kasalukuyan ay wala pang naitatalang election related violence sa lungsod Pasay lalo sa distritong sakop ni Tugas simula ng mag-umpisa ang kampanyahan ng lokal na mga kandidato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *