Breaking News

Coconut sugar isinusulong ngayon para nakatulong sa sugar shortage ng bansa

Iminumungkahi ngayon ni Mr. Benedicto C. Lor, Jr. na dating President & CEO ng Coconut Industry Investment Fund-Oil Mills Group (CIIF-OMG) at kilalang masugid na tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga magniniyog sa bansa, ang isang permanenteng solusyon upang matugunan ang krisis sa asukal sa bansa. Ayon sa kanya, mainam na pagtuunan ng pansin na palakasin ngayon ang paggawa ng coco sugar o ang asukal mula sa ‘sap’ ng puno ng niyog. Naniniwala si Lor na sa ganitong paraan ay mapapaunlad natin ang industriya ng niyog at maiaangat ang kabuhayan ng mga maralitang magniniyog sa bansa, habang kasabay nating tinutugunan ang ating kakulangan sa asukal.
Ipinaliwanag ni Lor na ayon sa mga pag-aaral, ang coco sugar ay may mababang Glycemic Index, kaya hindi ito nakakapagpataas ng blood sugar. “One is to one” ang replacement ng coco sugar sa asukal mula sa tubo, subalit higit na mas maganda sa kalusugan ang coco sugar dahil mayaman ito sa nutrients, gaya ng vitamin C, B, potassium, phosphorous, magnesium, calcium, zinc, iron and copper, phytonutrients, at antioxidants. Sabi pa ni Lor, ang coco sugar ang pinaka earth-friendly dahil sa ang puno ng niyog ay kayang magbigay ng higit sa 50% hanggang 75% na sugar output kada hektarya ng lupa, kaysa sugar cane, subalit halos 20% lamang ang kailangan ng puno ng niyog na soil nutrients at tubig, kung kaya ito ang pinaka ‘sustainable sugar’ sa buong mundo. Dagdag pa niya, ang puno ng niyog ay may buhay ng mahigit 20 taon, kumpara sa sugar cane na kailangan na muling itanim pagkatapos lamang ng ilang anihan. Ang sistema rin ng kaingin ay talamak sa mga taniman ng tubo na lubhang mapaminsala sa ating kalikasan.
Kung mapagtutuunan lamang ng pansin ay napakalaki ng potensyal ng ating bansa na maging exporter ng mataas na kalidad ng coco sugar, ayon kay Lor. Kapag ginamitan ng ‘economy of scale’, ang industriya ng coco sugar ay maaring maging mas mura pa kaysa  asukal mula sa tubo.
Bukod sa coco sugar, maari ring makagawa ng coco flour mula sa niyog upang kasama ring matugunan ang problema sa harina natin ngayon.
Noong 2018, naglunsad si Lor ng ‘nationwide coconut cooperative movement’ ng siya pa ang President ng CIIF-OMG, upang palakasin ang industriya ng magniniyog sa bansa, lalo na sa mga kanayunan, at makagawa ng malawakang programa ng niyog sa pamamagitan ng CIIF-partnered cooperatives, kabilang na dito ang coco sugar. Subalit ilang buwan matapos mailunsad ang ang nasabing programa ay napalitan na siya. Kasama noon sa kanyang programa ang pagkakaroon ng integrated processing plant ng CIIF-OMG para sa high value coconut products.
Sa ngayon, ayon kay Lor, ay isinara ng muli ng mga bagong namamahala sa kompanya ang ilang planta ng CIIF-OMG na kanyang binuksan at pinagana noong siya pa ang namamahala rito. Isinara na rin ang halos lahat ng mga itinayo niyang copra buying stations na direktang kakumpetensiya noon ng malalaking dealers at middleman sa industriya ng niyog. Ayon pa kay Mr. Lor, sa ngayon ay umaasa na lamang ang CIIF-OMG sa isusuply na copra ng mga big time dealers upang umandar ang  natititang oil mills na lagi rin diumanong naka shutdown.
Mungkahi pa ni Mr. Lor na mapag usapan sana ang pagtutulungan ng SRA at PCA para sa programang asukal ng bansa upang hindi na magkulang ang supply bagkus ay maging exporter pa ang bansa ng asukal.

Photo Mr, Benedicto Lor Jr.

About The Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *