Breaking News

DMW Tinitiyak ang patuloy na maayos na serbisyo sa mga OFW kasunod sa pagbitiw sa pwesto ni Sec. Hans Leo Cacdac.

Tinitiyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na patuloy at walang patid na pagseserbisyo sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) at sa kanilang mga pamilya na sa kasunod nito ay ang courtesy resignation ni DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac bilang pagsunod sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon sa DMW na nakakatiyak sila na pinapahalagahan nila ang pagtulong sa mga OFW mula sa ibat ibang bansa at kanilang mga pamilya na iginagalang at binibigyan ng mga pagkakataon na makaunlad at magkaroon ng magandang kinabukasan at patuloy sila anyang magsusumikap na mapabuti ang kanilang serbisyo para sa kaginhawaan ng mga mamayang Pilipino.

Sa patnubay at suporta ng Pangulo kasama sa ahensya nito ang Overseas Workers Welfare Admnistration (OWWA), Migrant Workers Offices (MWOs) at iba pang Regional Offices na mananatiling nakatuon sa pagbibigay ng mas mahusay na serbisyo sa mga OFW at kanilang mga pamilyang naiwan sa Pinas habang ang Administrasyon naman ay lumilipat patungo sa isang mas nakatutok at Performance-Driven na diskarte sa pagtugon sa karamihan ng mga pangangailangan ng Bansa.
(Justin Gildo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *