Sa paggunita ng World Blood Donor Day ngayong 2024 ay magkakaroon ng Mobile Blood Donation Activity ang Pamahalaang Lungsod ng Las Pinas sa pamumuno nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar sa pangunguna ng City Health Office sa pakikipagtulungan ng Philippine General Hospital (PGH) at Las Pinas General Hospital and Satellite Trauma Center.
Inaanyayahan namin kayong magdonate ng dugo sa darating na July 19 at 20, 2024 (Biyernes at Sabado) sa ganap na alas- 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa SM Center Las Piñas.
Ayon sa CHO hindi makakaila na ang taong nakapagbigay ng dugo ay may mas malusog na puso.
Sa pamamagitan ng regular na pagbibigay ng dugo, mababawasan ang lapot ng dugo na maaaring makaapekto sa tibay ng mga ugat sa pagdating ng panahon.
Dahil dito, mas mababa ang posibilidad nang pagkakaroon ng mga seryoso at nakakamatay na sakit gaya ng Hypertension o altapresyon, pamumuo ng dugo at pagbabara sa mga ugat, atake sa puso at stroke.
Kaya naman, hinihikayat namin kayo na magdonate ng dugo para magkaroon ng malusog na pamumuhay para #HealthyPilipinas!