Ang City Health Office ng Las Piñas ay nagsagawa ng Operation Tuli para sa mga kabataang Las Piñero. Sa tulong ng mga Barangay Health Centers nakapanghikayat ng mga kabataan na sumailalim sa libreng serbisyong ito ng Pamahalaang Lokal.
Binisita rin ni Vice Mayor April Aguilar ang halos nasa 250 kabataan na nakiisa at tumanggap libreng pagtuli na isinagawa sa Mayor Nene Aguilar DRRMO Multiurpose Building, BFRV Barangay Talon Dos. Ang mga pasyente ay dumaan rin muna sa Antigen Test upang makasiguro na walang dalang virus dulot ng COVID-19. Ipinaliwanag rin ng mga doktor ang kahalagahan nito sa kalusugan ng mga kalalakihan na makakatulong rin sa pagkakaroon ng proper hygiene.
Ang proyektong ito ng pamahalaang lungsod ay isa lamang sa mga serbisyong pangkalusugan at para sa mga iba pang detalye mangyari lamang na mag-antabay ng mga anunsyo mula sa Las Piñas City Health Office o di kaya ay sumangguni sa inyong mga Barangay Health Centers.