Bilang tugon sa dumaraming humihingi ng tulong sa DSWD, nagbigay ang ACT-CIS Partylist, sa pamamagitan ni Congressman Jeffrey Soriano, ng mga document scanners para mapabilis ang pagproseso ng mga dokumento ng mga kababayan natin na lumalapit sa ahensya.
Personal na tinanggap ito ng ating kasama na ngayon ay DSWD Secretary Erwin Tulfo na nagpaabot ng pasasalamat niya sa ACT-CIS Partylist.
Hangad natin na maging patuloy na kakampi ng mga may tunay na malasakit at nagsisilbi sa ating mga kababayan at dasal natin ang tagumpay ng pagpapalawig ng programa ng pamahalaan gaya ng DSWD!
Photo Courtesy Act CIS PartyList