Breaking News

PBBM sa mga motorista: Huwag maging kamote drayber

 

Pinayuhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga drayber na huwag maging kamote drayber.

Pahayag ito ni Pangulong Msrcos matapos ang sunod-sunod na kaso ng road rage.

Sa halip, sinabi ni Pangulong Marcos na magbaon ng mahabang pasensya sa kalsada.

Ipinagtataka ni Pangulong Marcos na maiinit na ang ulo at matatapang na ang mga motorista sa kalsada bukod pa sa walang disiplina.

Inihalimbawa ng Pangulo ang mga nagdaang insidente ng road rage sa bansa kung saan nangingibabaw ang sigawan, at bangayan, duruan, na nauwi pa sa barilan.

Ayon sa Pangulo, parang natural na lang ang ganitong mga komprontasyon at karahasan.

Giit ni Pangulong Marcos, ang pagmamaneho ay isang prebelihiyo lamang.

Kailangan aniyang sumunod sa batas trapiko ang lahat at maging disiplinado sa kalsada.

Ipinaalala ng Pangulo na ang dalawang minuto lamang na pagpuyos ng galit, na nauuwi pa sa matinding karahasan ay habangbuhay nang pagdurusahan at pagkasayang na makasama ang pamilya dahil makukulong pa.

PInayuhan din nito ang mga tao sa paligid na umawat at panatilihin ang kapayapaan sa halip na unahin ang pagbibidyo ng nangyayaring kaguluhan.

Mas makabubuti aniya sa lahat kung pag- uusapan ang problema sa maayos at mahinahon upang hindi humantong sa marahas na insidente na pagsisisihan bandang huli.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *