Pwede ko bang murahin?
Tanong ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos mapanood ang prank ng isang Russian vlogger sa isang Filipino sa Taguig City kamakailan.
Ayon sa Pangulo, walang puwang ang mga bully sa bansa at hindi kinulunsinti ang mga pang-aabuso para lamang sa entertainment.
Matatandaang inaresto at kinasuhan na ng kriminal ang Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy matapos bastusin ang isang security guard at magnakaw ng industrial fan sa restaurant sa Taguig habang naka-live stream.
Ininsulto rin ng vlogger ang isang windsurfing instructor sa Boracay Island.
Tanong ni Pangulong Marcos sa kanyang vlog, hindi naman Filipino si Zdorovetskiy kung kaya pwede ba itong mura hin?
“Biro man ito o hindi, sino namang Pilipino ang hindi kukulo ang dugo sa napapanood natin,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“Nakakalungkot dahil ito’y naging bahagi na ng social media na nagkakaroon ng mga vlogger na nanggugulo lang, nang-aasar lang, nambubwisit lang, nambabastos lang para makakuha ng mga viewers,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Pakiusap ni Pangulong Marcos sa publiko, huwag suportahan ang mga content creators na ang layunin ay bastusin lamang ang mga Filipino.
Sinabi ng Pangulo na ang mga ganitong pag-ugali ay mga “un-Filipino” at hindi katanggap-tanggap sa lipunan.
“Likas na mababait ang mga Pilipino, magalang, mapagkumbaba, napakahaba ng pasensiya. Kaya’t nakakalungkot na makita na naaabuso ang ganito nating katangian,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“Natural sa atin na magtawanan lamang at hindi natin palakihin ang mga ganitong klaseng pambabastos, pero hindi nangangahulugan na palalampasin ito ng pamahalaan. Dapat tayong pumalag sa mga bully,” dagdag ng Pangulo.
Pangako ni Pangulong Marcos, mañana got sa batas ang sino mang gagawa ng mga kahalintulad na mga prank.
