Breaking News

PCSO at FL Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa Taguig City.

Nakiisa ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa LAB for All na inisyatibo ni First Lady Liza Araneta-Marcos na ginanap sa TLC Concert Grounds, Taguig City ngayong Abril 14, 2026, kung saan namahagi ang ahensya ng 1,500 ChariTimba para sa mga benepisyaryo. Pinangunahan ito nina PCSO General Manager Melquiades Robles, kasama sina Chairman Felix Reyes at Director Jennifer Guevara.

Ang LAB for All ay isang nationwide program na naglalayong ilapit sa mamamayan ang iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan, lalo na ang dekalidad na serbisyong medikal, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bukod dito, iniabot din ng PCSO ang halagang ₱4,993,400.60 kay Taguig City Mayor Maria Laarni “Lani” Cayetano bilang lotto shares ng lungsod para sa panahon ng Hulyo hanggang Disyembre 2025.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *